Libre toll fee ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX ngayong Pasko, New Year

Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10 ng gabi ng Dis­yembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Dis­yembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Hindi maniningil ng toll fees ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) sa mga motorista na dadaan sa ilang pangunahing expressways sa bansa, ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10 ng gabi ng Dis­yembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Dis­yembre 25 at mula alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.

Sakop umano nito ang North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Matatandaang una na ring inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) noong Biyernes na iwi-waived nila ang toll fees ng Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga ispesikong oras para sa holidays bilang regalo sa mga motorista.

Show comments