MANILA, Philippines — Dahan-dahang kumikilos ngayon ang Tropical Storm Dante habang tinutumbok ang silangang baybayin ng Oriental Mindoro, pagbabahagi ng state weather bureau ngayong umaga.
Bandang 10 a.m., Miyerkules, nang mamataan ng PAGASA ang mata ng Tropical Storm Dante sa northwestern coastal waters ng Romblon, Romblon.
- Lakas ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: 90 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis ng paggalaw: 25 kilometro kada oras
"'Yung mga pag-ulan ngayong araw hanggang bukas ng umaga, may aasahan tayong katamtaman hanggang malalakas at minsanang matinding mga pag-ulan dito po sa CALABARZON, sa malaking bahagi ng MIMAROPA maliban po sa Palawan, sa Panay Island, Guimaras, Bataan at Zambales," ani PAGASA weather specialist Ariel Rojas.
"Katamtaman hanggang malalakas na ,mga pag-ulan naman po, mararanasan sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, dito po sa Metro Manila, sa northern part ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands pati ang Cagayancillo Islands at Negros Occidental."
Hindi na inaasahang makakalabas ng Philippine area of responsibility ang Tropical Storm Dante bagyo dahil malulusaw ito sa loob ng PAR, dagdag pa ni Rojas.
Kasalukuyang nasa tatlong katao na ang namamatay ngayon sa Pilipinas dulot ng bagyong "Dante," ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw.
Storm warning signals nakataas pa rin
Patuloy namang umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar ngayon:
- Romblon
- Marinduque
- hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Roxas, Bongabong, San Teodoro, Puerto Galera, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud)
- hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Paluan, Mamburao, Abra de Ilog, Lubang Islands)
- Batangas
- Cavite
- Bataan
- timogkanlurang bahagi ng Bulacan (Calumpit, Bulacan, City of Malolos, Paombong, Hagonoy)
- kanlurang bahagi ng Pampanga (Masantol, Macabebe, Sasmuan, Lubao, Floridablanca, Porac, Guagua, Santa Rita, Angeles City, Mabalacat City, Minalin, Bacolor)
- Zambales
- kanlurang bahagi ng Tarlac (Bamban, Capas, San Jose, Mayantoc, Camiling, Santa Ignacia, San Clemente)
- kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Infanta, Dasol, City of Alaminos, Mabini, Sual, Labrador,Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Carlos City, Santa Barbara,Mangaldan, Dagupan City,Calasiao, Binmaley, Lingayen)
Samantala, Signal no. 1 naman sa:
Luzon
- hilagang bahagi ng Palawan (Calamian Islands, Cuyo Islands)
- nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
- nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, the western portion of Quezon (Lucena City, City of Tayabas, Pagbilao, Lucban, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Padre Burgos)
- kanluran at gitnang bahagi ng Laguna (Luisiana, Pagsanjan, Santa Cruz, Majayjay, Magdalena, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria, Rizal, San Pablo City, Calauan, Bay, Alaminos, Los Baños, City of Calamba, Cabuyao City, City of Santa Rosa, City of Biñan, City of San Pedro)
- Metro Manila
- Rizal
- Bulacan
- nalalabing bahagi ng Pampanga
- nalalabing bahagi ng Tarlac
- kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Cabiao, San Antonio, City of Gapan, San Isidro, San Leonardo, Jaen, Zaragoza, Licab, Guimba, Cuyapo, Nampicuan, Talugtug, Quezon, Aliaga, Santa Rosa)
- nalalabing bahagi ng Pangasinan
- timog bahagi ng portion of Benguet (Itogon, Tuba, Sablan, Baguio City, La Trinidad, Kapangan, Tublay)
- La Union
Visayas
- Aklan
- Capiz
- hilagang bahagi ng Antique (Valderrama, Bugasong, Laua-An, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad, Caluya)
- hilagangkanlurang bahagi ng Iloilo (Lambunao, Calinog, Bingawan)
Limang beses nang sumasalpok sa kalupaan ng bagyong "Dante" simula nang pumasok sa PAR:
- Sulat, Eastern Samar (8:30 PM, 1 June)
- Cataingan, Masbate (1:00 AM, 2 June)
- Balud, Masbate (3:30 AM, 2 June)
- Romblon, Romblon (8:00 AM, 2 June)
- Agustin, Romblon (8:50 AM, 2 June)
"This tropical storm is forecast to maintain its strength until it makes landfall over mainland Luzon. Further land interaction with the rugged terrain of mainland Luzon will weaken 'DANTE' into a tropical depression tomorrow," patuloy ng PAGASA.