‘Pinas most outstanding destination 2014 sa Asia Pacific

MANILA, Philippines - Ang  Pilipinas  ang na­bigyan ng pagkilala bilang “Destination of the Year 2014” sa ginanap na 25th Annual TTG Travel Awards 2014. 

Ang nasabing travel awards ay inorganisa ng TTG Asia Media’s Travel Trade Publishing Group at mula taong 1989 ay nagbibigay na ito ng pagki­lala sa pinakamahusay na travel trade sa Asya Pasipiko.
Nahirang ang bansa bilang most outstanding destination para sa Asya Pasipiko ngayong taon dahil sa aktibo nitong pagtataguyod sa travel industry ng bansa. (Ludy Bermudo)

Show comments