Ulat panahon

MANILA, Philippines - Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Neneng bandang alas-2:00 ng madaling-araw ng Sabado at lumayo patungong Japan, ayon sa Philippine Atmospheric Geopysical and Astronomical Services Administration. Pero, kahit nasa labas na ng Pilipinas ang bagyo, pinag-ibayo nito ang northeasterly winds. Ang Gitnang Kabisayaan, Zamboanga Peninsula at ang lalawigan ng Negros Occidental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magi­ging katamtaman hanggang sa maalon. Ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa nalalabing bahagi ng Luzon at mula naman sa kanluran hanggang timog-kanluran sa natitirang bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan.

Show comments