MANILA, Philippines - Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bandang alas-2 ng madaling araw pumasok sa PAR ang LPA.
Namataan ang sama ng panahon sa 970 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Hindi naman inaasahang magiging tuluyang bagyo ang LPA ngunit magdadala ito ng pag-ulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Davao region.
Makakaasa naman ang Metro Manila ng magandang panahon.