Trader nilooban: P1.8-M halaga ng mga relo natangay

MANILA, Philippines - Sa halip na Santa Claus, magnanakaw ang pumasok sa bahay ng isang pamilya sa lungsod Quezon at tumangay ng higit sa P1.8 milyong halaga ng mga mamahaling relo  nitong Pasko.

Ang insidente ay na­batid makaraang du­mulog sa tanggapan ng Quezon city Police District- Theft and Rob­bery Section si Julius Ceasar Villarama, 53, negos­yante para magreklamo hingil sa pagnanakaw na naganap sa kanyang bahay sa Barangay Teacher’s Village lungsod Quezon.

Ayon kay Villarama ang pagnanakaw ay nadiskubre nila ganap na alas -12:50 ng madaling araw.

Natangay sa biktima ang tatlong Rolex wat­ches P1 million; da­la­wang Omega watches P200,000; 12 Tag Heuer men’s watches P400,000; Tudor watch P150, 000; at tatlong Tag Heuer ladies’ watches P100,000.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may hawak ng kaso, bago madiskubre ang pagnanakaw, umalis umano ang pamilya Villarama sa kanilang bahay at nagpunta sa Malolos, Bulacan para sa kanilang family reunion nitong Pasko.ÃŒniwan naman daw ng pamilya na nakakandado ang kanilang mga pintuan.

Subalit, pag- uwi ng pamilya nitong hating­gabi, naabutan nilang nakabukas na ang pintuan sa main door ng kanilang bahay.

Agad silang pumasok sa kanilang master’s bedroom kung saan nila nalaman na nawawala na ang safety vault na pinaglalagyan nila ng nasabing mga items.

Patuloy ang follow-up operation ng awtoridad sa nasabimg insidente.

Show comments