MANILA, Philippines - Limang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umabot na sa 42 ang naitala ng Department of Health na mga nasugatan sa paputok.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, kasama sa nasabing bilang ang isang taong gulang na batang lalaki mula sa Quezon City na nakalunok ng piccolo.
Sugatan naman at napinsala ang buto ng isang 23-anyos na lalaki mula sa Ormoc City matapos tamaan ng ligaw na bala sa balakang.
Pinakamalalang naitaÂlang kaso ang 65-anÂyos na lalaki mula sa Iloilo na lumuwa ang mata matapos tamaan ng hindi pa tukoy na paputok nitong Martes.
Ipinapayo pa rin ng DOH na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay o magsayaw na lamang ng “Roar†sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Aniya, maaari namang gumamit ng mga tradisyunal na pampaingay tulad ng torotot, lata o lumang kaldero.
Sa ganito aniyang paraan ay makasisigurong ligtas ang mga parte ng katawan o walang magbubuwis ng buhay.