MANILA, Philippines - Dahil sa malaki ang naiaambag sa ekonomiya, nais ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada na magsagawa ang National Statistics Office ng census sa lahat ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Sa Senate Bill 2037 na inihain ni Estrada, sinabi nito na dapat ring magkaroon ng census sa mga Pilipinos na nasa labas ng Pilipinas at maisama rin sila sa regular census na isinasagawa ng NSO.
Ipinaliwanag ni Estrada na milyun-milyong Pilipino na ang naninirahan sa ibang bansa pero patuloy pa ring bumuboto at nagbabayad ng buwis sa Pilipinas.
Idinagdag ni Estrada na nagsisilbing mga “ambassadors†din ng Pilipinas ang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Naniniwala si Estrada na dapat ding makatanggap ng kaparehong benepisyo na natatanggap ng mga local residents ang mga Pinoy na naninirahan na sa ibang bansa.
Sa sandaling maging ganap na batas ang panukala ni Estrada, tatawagin itong “Census of Filipinos Abroad Act.