MANILA, Philippines - Binawasan ng National Police Commission (Napolcom) ang bilang ng “experience requirement†para sa promosyon sa Philippine National Police (PNP) upang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa pulisya.
Inaprubahan ng Napolcom en banc ang ReÂsolution No. 2013-501 para sa “modification guidelines on the qualification standardsâ€.
Sa ilalim nito, ibinaba sa dalawang taon ang dating apat na taon na “experience requirement†para sa mga Police Office 1 upang ma-promote sa Police Officer 2, dalawang taon mula 3-taon para sa promosyon sa PO3, 2-taon mula sa 3-taon para sa promosyon sa SPO II, 2-taon mula 3-taon tungo sa SPO III, at 2-taon mula tatlong taon tungo sa SPO IV.
Ibinaba rin sa 3-taon mula sa apat na taon para sa promosyon sa ranggong P/Senior Inspector, at 3-taon mula sa dating 5-taon para sa promosyon sa P/Superintendent mula sa pagiging P/Chief Inspector.
Nananatili naman ang dating “experience requirement†para sa promosyon sa mga ranggong SPO1, Police Inspector, Police Senior Superintendent at Police Chief Superintendent.
Hindi ipinatutupad ang “experience requirement†para sa mga ranggong Police Director, Police Deputy Director General at Police Director General dahil sa nasa kapangyarihan ito ng Pangulo sa rekomendasyon ng Napolcom.