Ulat Panahon

MANILA, Philippines - Ang Cagayan Valley, Kanlurang Kabisayaan at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang iihip sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa Silangang Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa silangang bahagi ng Kabisayaan at ng Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang araw ay sisikat dakong 5:45 ng umaga at lulubog dakong 5:45 ng hapon.

Show comments