MANILA, Philippines - Bagamat tag-ulan na, tiniyak ng Ayala-led Manila Water Company sa publiko na sapat at malinis ang tubig na naisusuplay nila sa kanilang mga water consumers bunga na rin ng stringent microbiological at chemical quality standards na naitakda ng Philippine National Standard for Drinking Water (PNSDW).
Ayon kay Manila Water Corporate Strategic Affairs Group Director Ferdinand dela Cruz, bago pa man mag tag-ulan ay naisagawa na nila ang mga leak repairs, regular inspection ng mga tubo ng tubig at may buwanang water quality checks na naipatupad simula nitong June 10.
Sa ilalim ng PNSDW, agad made-detect ang bacteria o coliform sa alinmang 100 milligrams sample ng tubig.
Sakaling may lugar na binaha na kailangan ng suplay ng tubig ay agad nila itong padadalhan ng malinis na suplay.