CPP-NPA pinasusunod sa peace talks

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Senator Francis “Kiko” Pa­ngilinan ang gobyerno na isunod ang pakikipag-usap sa Communist Party Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) matapos ang bagong peace pact sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Pangilinan, dapat samantalahin ng gobyerno ang momentum na nakuha nito sa nabuong peace pact sa MILF at isunod naman ang CPP-NPA.

Hindi aniya dapat tumigil ang pamahalaan hangga’t hindi natatamo ang kapayapaan sa hanay ng mga kumakalaban sa gobyerno.

Pinuri rin ni Pangilinan ang gobyernong Aquino dahil sa track record nito na isulong ang good governance at ang nabuong peace pact sa MILF.

Dapat aniyang gamitin ng gobyerno ang formula na ginamit sa MILF sa pakikipag-usap naman sa CPP-NPA.

Kung magtatagumpay aniya ang gobyerno sa pagsusulong ng kapayapaan sa MILF at CPP-NPA sa susunod na apat na taon, sapat na ito para masimulan ang kaunlaran sa mga malalayong probinsiya.

Show comments