MANILA, Philippines - Magsasagawa ng pagsusuri ng puso sa idaraos na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Gaganapin ang una sa 11 kombensiyon sa Metro Manila sa darating na Oktubre 19-21 sa Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. May temang ‘Ingatan Mo Ang Iyong Puso!’, tatalakayin sa pagsusuri sa makasagisag na puso ayon sa pagkakagamit nito sa Banal na Kasulatan. Sa pamamagitan ng mga pahayag, dramatikong pagtatanghal at pagbabasa ng Bibliya, idiriin sa mga bahagi ng programa ang pag-iingat sa makasagisag na puso upang mapabuti ng isa ang kaugnayan tatlong-araw na kombensyon ang Tinatayang mga 60,000 delegado mula sa Luzon ang magtitipon sa magkakasunod na kombensiyon na magpapasimula sa Oktubre 19 at magpapatuloy sa bawat dulo ng sanlinggo hanggang Disyembre 30. Ang bawat sesyon ay magsisimula sa 8:20 ng umaga mula Biyernes hanggang Linggo. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo at makinabang mula sa mga positibong mensahe at praktikal na mungkahing itatampok sa programa. Ito ay walang bayad.