Early voting sa media aprub

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Come­lec ang petisyon ng ilang ma­mamahayag na maka­boto ng mas maaga sa 2013 elections.

Sa botong 5-1, sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na hindi dapat pagkaitan ng kanilang karapatang makaboto ang libu-libong mediamen mula sa 800 printed publications, 297 television stations, 659 FM radio stations at 383 AM radio stations sa bansa.

Isinaalang-alang ng Comelec ang trabaho ng mediamen na nagko-kober ng election day sanhi upang hindi na sila maka­boto.

Ang early voting sa media ay magiging manual at hindi automated, tulad ng local absentee voting, at ang boto ng mga ito ay bibila­ngin sa election day.

Show comments