MANILA, Philippines - Panunumbalik ng tiwala sa Kongreso at pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan at kabataan ang nais ng negosyanteng si Faith Maganto.
Naghain kahapon ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Maganto sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) sa pagka-kongresista ng ika-5 distrito ng Maynila sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ang hamon na maging serbisyo-publiko ay ginawa ni Maganto makaraan ang ilang taong tagumpay sa pribadong sector upang matiyak na mabibigyan ng proteksiyon ang kalusugan at pag-aaral ng mga kabataan at kababaihan.
Sinimulan ng isakatuparan ni Maganto ang adhikain nito sa mga sunod-sunod na inilunsad na feeding program noong nakalipas na buwan ng kanyang ‘Have Faith Volunteers Group’ sa 46 na barangay na nasasakupan ng ikalimang distrito ng Maynila.
Kabilang sa mga maralitang lumahok at nakipagtulungan sa aktibidad ng ‘Have Faith Volunteers Group ang ilang opisyal ng barangay na residente ng San Andres, Intramuros, Paco, Baseco at Malate.