Mark Villar naghain ng CoC para congressman

MANILA, Philippines - Naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) si Cong Mark Villar sa Commission on Election (Comelec) sa kanyang pagtakbo bilang Congressman ng Las Piñas.

Ang reelectionist Congressman, anak nina Sen. Manny Villar at dating Las Piñas Congw. Cynthia Villar, na naghain na rin ng kanyang CoC para senador, ay umaasang kanyang maipagpapatuloy ang mga adbokasiyang kanyang nasimulan sa kanyang unang termino.

“Marami pang kaila-ngang gawin sa aming distrito at ako ay handa na ipagpatuloy ang aking mga nasimulan lalo na ang mga programang may kinalaman sa kabataan, edukasyon at pangkabuhayan.

Sa kasalukuyan, si Cong. Villar ay kilala sa kanyang mga naitupad na mga programa sa Las Piñas tulad ng Barangay Job MARKet (community-based job fair), MedMARK (pagbibigay tulong-medikal at dental), TradeMARK (programang pangkabuhayan) atbp. Si Villar ay aktibo rin sa pagsuporta sa sports. Sa kanyang pa­ngunguna, ang mga kaba-taan ng Las Piñas ay mayroong regular na basketball tournaments at pagsasanay sa football sa pamamagitan ng football clinics.

Si Cong. Villar ay Vice Chairperson din ng House Committees na Energy, Labor & Employment at Small Business & Entrepreneurship.

Show comments