COMELEC magpapasaklolo sa NTC

MANILA,Philippines - Magpapasaklolo ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Telecommunications Commission (NTC) matapos na magkaroon ng failure of bidding para sa transmission ng election result sa May 2013 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr., hindi nasunod ng lone bidder na Blue Media Communications Inc. ang ilang requirements sa kontrata sanhi upang hindi ito mai-award sa kanila.

Sinabi ni Brillantes, kung sakaling wala na talagang mag-bid para sa naturang kontrata ay didirekta na sila sa NTC para ito na ang kumausap sa mga telecommunication companies sa transmission ng resulta ng darating na halalan.

Nabatid na aabot sa P402 milyon ang inilaang pondo ng Comelec para sa nasabing kontrata.

Ang pag-transmit ng resulta ng eleksyon ang isa sa pinaka-kritikal na serbisyo sa gagawing automated elections dahil pangunahing nakasalalay rito ang bilis ng pag­lalabas ng pangalan ng mga nanalong kandidato.

Show comments