Puno inabswelto ni PNoy sa condo 'raid'

 Manila, Philippines - Inabswelto ni Pangulong Aquino ang nagbitiw na DILG Undersecretary Rico Puno sa umano’y tangkang pagpasok sa tanggapan ng nasawing si DILG Sec. Jesse Robredo pero hindi pa rin lusot sa maanomalyang pagbili ng assault rifle ng Philippine National Police.

Ayon sa report, kum­binsido umano ang Pa­ngulo na walang balak si Puno na ipuslit at tignan ang mga dokumento na nasa condo unit ni Robredo kahit ang utos ni Aquino rito ay siguruhing secured ang condo unit ni Robredo.

Sa kabila nito, hindi naman inabswelto si Puno sa gusot sa mga baril. Gusto raw malaman ni PNoy kung bakit isang bidder na lang ang natirang interesado.

Pinag-iisipan din umano ng Pangulo kung bibigyan pa ng ibang puwesto si Puno, pero ipinauubaya na niya kay DILG Sec. Mar Roxas ang pagpapasya.

Unang sinabi ni PNoy na balak nitong ipalit si Bartolome kay Puno. 

Show comments