22-anyos patay sa holdap

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa ma­tapos pumalag sa tatlong holdaper sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Jay-R Camera, 22, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi ng tama sa tiyan sina Josepina Malati, 57 at Geronimo Mecio, 44. Pinaghahanap naman ng mga pulis si alyas Boknoy at dalawang hindi pa kilalang mga kasama. Sa imbestigasyon ng Navotas City Police, dakong alas-9 ng gabi, habang naglalakad ang mga biktima sa nasabing lugar nang harangin at tutukan ng baril ng mga suspek na nagdeklara ng holdap. Pumalag naman ang mga biktima dahilan upang barilin sila ng mga kawatan saka mabilis na nagsitakas at iniwan ang mga una na nakahandusay at duguan. Patuloy ang isinasagawang follow-up operation sa ikadarakip ng mga suspect.

Show comments