MANILA, Philippines - Inihayag nitong nagdaang Sabado ng gabi ang mga nanalo sa taong ito sa 62nd Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Kasabay nito, napasama ngayong taong ito sa Palanca Hall of Fame ang multi-awarded poet, ficionist at awtor na si Peter Solis Nery. Nakuha niya ang ganitong parangal nang mapanalunan niya ang kanyang ikalimang first prize para sa kanyang lahok na “Punctuation” sa Children’s category sa Poetry Division.
Kabilang pa sa mga nanalo sa Filipino Division ang sumusunod: DULANG PAMPELIKULA - 1st - Rodolfo Vera (Death March), 2nd - Richard Legaspi (Primera Bella), 3rd - Mia Buenaventura (Ang bulag na musikero); DULANG GANAP ANG HABA - 1st - Vincent Tanada (Ang bangkay), 2nd - Luciano Sonny Valencia (Ang Penintensiya ni Tiyo Renato), 3rd - Allan Lopez (Melodrama Negra); DULANG MAY ISANG YUGTO- 1st- Joshua Lim So (Joe Cool: Aplikante), 2nd - Renerio Concepcion (Kumandong Nakaiskuwat), 3rd - Erick Aguilar (Terminal).
TULA- 1st - Enrique S. Villasis (Crocopedia), 2nd – Kristian Sendon Cordero (Pagsalat sa Pilat), 3rd - Alvin Ursua (Kumpuni); TULANG PAMBATA- 1st - John Enrico Torralba (Gusto Ko nang Lumaki), 2nd - Peter Solis Nery (Sa Mundo ng mga Kulisap), 3rd - Nely Azada (Sampung Tula Para sa mga Bata).
MAIKLING KUWENTO - 1st - Mark Benedict F. Lim (Banaag), 2nd - Honorio Bartolome de Dios (Ang Tawo sa Puso ni Teresa), 3rd Mar Anthony Simon dela Cruz (Darleng); MAIKLING KUWENTONG PAMBATA -- 1st - Will P. Ortiz (Ang tatlong Bubwit at bangkang Marikit), 2nd - Bernadette V. Neri (Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya), 3rd Luz B. Maranan (Ang Pangat, ang Lupang Ninuno, at ang Ilog).
Sanaysay -- 1st - Niles Jordan Breis (Go-See, Kraw Den, Intro: Sa Daigdig ng Promo), 2nd - Elyrah L. Salanga-Torralba (Utang Ina), 3rd - King Panganiban Mendoza (Redempsiyon); KABATAAN SANAYSAY - 1st - Jan Francis B. Asis (Sa Ingit ng Pinto), 2nd - Gerome E. de Villa (Sa Aking Pagbuklat sa mga Makabagong Pahina), 3rd - Jueliand Peter A. Perez (Madyik Bisikleta).