MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Korte Suprema ang mga Pilipinong may dual citizenship na nagnanais lumahok sa halalan na talikuran ang kanilang pagiging foreign citizen bago kumandidato sa alinmang posisyon sa gobyerno.
Binigyang-diin ito ng Kataas-taasang Hukuman matapos na ibasura ang petition for certiorari na inihain ng nanalong kandidato sa pagka-bise alkalde sa Caba, La Union na si Teodora Sobejana-Condon.
Ang naturang bise alkalde ay naalis sa puwesto dahil siya ay disqualified makaraan niyang hindi panumpaan ang pagtatakwil niya sa kanyang Australian Citizenship.
Sa 24-pahinang desisyon ng Supreme Court En Banc na isinu lat ni Justice Bienvenido Reyes, pinagtibay ng hukuman ang kinukuwestiyong resolusyon ng Commission on Elections En Banc na may petsang September 6, 2011 na pumabor sa naunang desisyon ng Bauang, La Union Regional Trial na nagdedeklara kay Condon na ineligible at disqualified sa kanyang posisyon.
Ayon sa SC, bigo ang petitioner na panumpaan ang pagtatakwil sa kanyang Australian Citizenship alinsunod na rin sa itinatakda ng Section 5 ng Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Re-Acquisition Act of 2003.
Si Condon ay isang natural born Filipino Citizen na ipinanganak noong August 8, 1944 pero siya ay naging naturalized Australian Citizen nang siya ay ikasal kay Kevin Thomas Condon nuong December 13, 1984.