PNoy at 67-man delegation pa-Russia na

MANILA, Philippines - Aalis na ngayong araw si Pangulong Aquino kasama ang 67-man delegation nito patungong Russia upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Coope­ration (APEC) Summit na ginaganap sa Russky Island, Vladivostok, Russia mula Setyembre 2-9.

Tutulak ang Pangulo lulan ng PAL flight PR001 dakong ala-1 ngayong hapon kasama sina DFA Sec. Albert del Rosario, DILG Sec. Mar Roxas, Finance Sec. Cesar Purisima, DTI Sec. Gregory Domingo, Presidential Spokesmn Edwin Lacierda,  iba pang miyembro ng Gabinete, Presidential Security Group at protocol officials.

Inaantabayanan sa nasabing summit ang posibleng pagkikita o pakikipagpulong ng Pangulo kay Chinese­ President Hu Jintao para sa isyu ng tensyon sa West Philippine Sea.

Nabatid na magtatagal lamang ang delegasyon ng Pangulo ng dalawang araw at inaasahang babalik din ito sa Linggo.

Show comments