PNP Task Force Robredo pinarangalan

MANILA, Philippines – Pinarangalan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga ‘ba­yaning’ pulis na gumanap ng mahalagang papel sa search and rescue operations sa yumaong si dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na nasawi sa bumagsak na eroplano sa karagatan ng Masbate City noong Agosto 18.

Ang parangal ay iginawad ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome sa mga opisyal at personnel na bumubuo sa PNP Task Force Robredo matapos ang ginanap na flag raising sa Camp Crame.

Kabilang sa mga ginawaran ng Medalya ng Katangitanging Gawa ay sina Sr. Supt. Heriberto Olitoquit, Provincial Police Office Director ng Masbate; Supt. Gonzalo Villamor Jr., pinuno ng Task Force Robredo at ang isa sa mga divers na si PO2 Ronnel Prac.

Show comments