Mikey ayaw na sa pulitika

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Ang Galing Pinoy (AGP) party list Rep. Mikey Arroyo na wala na siyang planong tu­makbo sa anumang posisyon sa pulitika sa 2013 mid term elections.

Ayon sa batang Arroyo, mas nais na lamang nitong magkaroon ng isang pribadong buhay kasama ang kanyang pamilya at lumayo sa magulong mundo ng pulitika.

Bukod dito mayroon na rin bagong nominado ang AGP na si Atty. Charlie Chua dahil kinokosidera na siya ay nasa ikatlong termino.

Nilinaw din ni Arroyo na nagpadala ng representative ang Secretary General ng AGP para dumalo sa hearing revalidation ng existing party list ng Commission on Elections (Comelec) subalit hindi umano ito kinilala ng Kagawaran.

Matatandaan na nagbanta si Comelec Chairman Sixto Brillantes na ididis­kwalipika ang accreditation ang AGP dahil sa hindi pagdalo ng mga ito sa hearing.

Show comments