MANILA, Philippines - Muli na namang mananalasa sa bansa ang bagyong Igme kaya’t dapat na itong paghandaan ng publiko.
Bagama’t wala pang particular na lugar na tutumbukin si Igme sa pagbabalik sa bansa, inaasahan ang muling pananalasa nito sa susunod na 24 oras hanggang sa 36 na oras.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Igme ay namataan ng PagAsa sa layong 360 kilometro kanluran ng Basco Batanes taglay ang lakas ng hanging 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 170 kilometro bawat oras.
Ito ay kumikilos sa silangan hilagang silangan sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Bunsod nito, pinapayuhan ng PagAsa ang publiko laluna ang mga taga-Luzon na mag-ingat at maging handa sa anumang panganib na dadalhin ni Igme. Inaasahan na magdadala ng pag uulan si Igme kaya’t ang publiko ay pinaghahanda sa posibleng flashfloods at landslides laluna yaong mga nakatira sa tabing ilog at gilid ng mga bundok.