Davao del Sur, niyanig ng 6.6 na lindol

MANILA, Philippines -  Niyanig ng 6.6 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur linggo ng hatinggabi.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may silangan ng Sarangani sa Davao del Sur.

Bunsod nito, naram­daman ang pagyanig sa lakas na intensity 4 sa  Davao City  at intensity 2 sa South Cotabato at Koronadal City.

Matapos nito, naka­pagtala naman ng isa pang pagyanig na may lakas na 3.3 magnitude sa silangan ng Cateel Davao Oriental ganap na alas 5:48 ng umaga kahapon.

Show comments