MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ang 36 kawani ng Bureau of Immigration dahil sa iba’t ibang kasong administratibo at katiwalian.
Bukod sa 36 na tinanggal, sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na may 41 pang empleyado ng BI ang pinatawan ng suspensiyon dahil sa mga paglabag sa batas.
Kasabay nito, hinikayat ni David ang publiko na agad maghain ng reklamo sa kanyang tanggapan laban sa mga nagkasalang empleyado.
Nagtatag si David ng complaint redress section (CRS) sa kanya mismong opisina upang tumanggap ng mga reklamo sa pamamagitan ng sulat o kahit na tawag lamang sa telepono.