Aplikasyon para sa mga bagong pulis binuksan muli ng NCRPO

MANILA, Philippines - Muling binuksan ang ikalawang bahagi ng recruitment program ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa bagong pulis para sa taong 2012.

Ayon kay NCRPO chief, Director Allan Purisima, ito’y bahagi pa rin ng nais ng PNP na makamit ang tamang­ “police-to-population ratio” upang madag­dagan ang mga nagpapatrulyang alagad ng batas laban sa kriminalidad.

Bukas ang ranggong Police Officer 1 sa lahat ng lalaki at babaeng tunay na Filipino, 21-30 anyos, nagtapos ng degree sa kolehiyo at may angkop na good moral character.

Kailangan na may eligibilities ang mga aplikante buhat sa mga pagsusulit na ibinibigay ng Napolcom, Professional Regulatory Commission (PRC) at Civil Service Commission (CSC).

Kailangan rin na walang rekord ng dishonorably discharged, AWOL o dropped from Rolls sa military, o PNP service ang aplikante at maging sa trabaho sa pribado, walang naka-pending na kasong kriminal sa korte at hindi nagkaroon ng “conviction” sa anumang pagkakasala.

Show comments