MANILA, Philippines - Sisikaping maiahon ngayong araw ng mga ekspertong technical divers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) ang wreckage ng bumagsak na Piper Seneca plane kung saan sinasabing na-trap ang bangkay ng dalawa pang piloto.
Ayon kay Task Force Kalihim Commander Major Gen. Eduardo del Rosario, pansamantalang inihinto muna ang search and retrieval operations upang makuha ang labi nina Capt. Jessup Bahinding at co-pilot nitong si Kshitiz Chand, Nepalese national bunga ng nangyaring aksidente sa German volunteer diver na si Danny Brumbach, 41, na bumula ang bibig matapos dumanas ng ‘decompression sickness ‘ sa diving operations. Nasa stable ng kalagayan na ang German diver.
Sinabi ni del Rosario, nakataob ang eroplano at naipit ang dalawang piloto na kapwa naka-seatbelt sa may cockpit kaya kailangan itong maiahon para makuha sina Bahinding at Chand.
Alas-7 ngayong umaga ay itutuloy ang search and retrieval operations.