'Di pagsalang sa CA ni Robredo ikinalungkot ng Senado

MANILA, Philippines - Labis na ikinalungkot ni Senate Majority Leader Vicento “Tito Sotto, chairman ng Committee on Interior and Local Government ng Commission on Appointment ang kabiguan na maisalang sa confirmation hearing si DILG Sec. Jesse Robredo.

Ayon kay Sotto, hindi na matutuloy ang dapat ay unang confirmation hearing ni Robredo sa August 29.

Maghihintay na lang  sila kung sino ang isusumite ng Malacañang sa CA bilang bagong DILG secretary.

Sabi ni Sotto, maaari namang magtalaga lang muna ng OIC sa DILG ang Palasyo.

Ipinaliwanag ni Sotto na hindi kaagad naisumite sa CA ang pangalan ni Robredo at hindi rin agad na i-iskedyul ang pagsasa­lang sa kanya dahil hindi nito agad nakumpleto ang mga requirements at lagi itong sobrang abala.

Meron din muna silang pinakiusapang kongresista na miyembro ng CA na huwag ng gamiting isyu sa confirmation hearing ni Sec. Robredo ang local na usapin ukol sa paghahati sa Camarines Sur dahil nais nilang agad ding makumpirma ang kalihim.

Show comments