MANILA, Philippines - Aminado ang Malacañang na wala itong magagawa sa mga local government units (LGUs) na ayaw magdeklara ng state of calamity upang makautang ng calamity loan ang mga apektado nilang mamamayan.
Partikular na tinukoy ni deputy presidential spokesperson Abegail Valte ang kaso ng Quezon CIty kung saan hindi ito kasama sa mga nagdeklara ng state of calamity. Ipinaliwanag pa ni Valte na ang calamity loans ay depende na rin sa mga nag-papautang na ahensiya at hindi nila mapipilit ang isang local government kung sa assessment nito ay hindi dapat ideklara ang state of calamity. Pero ayon kay Valte, kahit naman hindi magdeklara ng state of calamity sa isang lugar, ang mga ahensiya ng gobyerno katulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-IBIG, at maging ang Social Security System ay nagpapautang pa rin sa kanilang mga miyembro.