Baha sa MM kasalanan ng MMDA, hindi ng habagat

MANILA, Philippines - Hindi umano ang hanging Habagat ang dapat sisihin sa nangyaring baha sa Metro Manila kamakailan kundi ang Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa talumpati ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, sinabi nito na hindi dapat sisihin ang kalikasan sa nangyaring baha kundi ang palpak na ahensiya ng gobyerno na dapat ay sinisiguradong agad maaalis ang tubig sa mga lansangan.

Sinabi ni Cayetano na isa sa mga dahilan ang kawalan ng gasoline sa mga pumping stations na kapag hindi gumana ang isa ay tiyak na ang baha.

Ikinuwento pa ni Cayetano na noong August 7 or 8 sinabihan ang Taguig na kailangan daw ng standby fuel kaya naglaan na agad ng 2500 liters.

Ayon pa kay Cayetano, napakatagal ding aprubahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang request para sa fuel ng mga pumping stations na dapat ay nagamit noong kasagsagan ng baha.

“In the letter of MMDA Flood Control and Sewerage Management Office head Baltazar Melgar to the top management of MMDA he requested for 28,000 liters of gas for the pumping stations. MMDA Chairman Francis Tolentino approved it last July 26. The supplier only delivered 10,000 liters of gas on August 8. No report has been made as to whether the balance of 18,000 was delivered,” sabi pa ni Cayetano.

Show comments