Santo Papa nakiramay sa mga biktima ng baha

Manila, Philippines -  Nagpa-abot ng kanyang pakikiisa at pakikiramay si Pope Benedict XVI sa pamilya ng mga naging biktima ng matinding pagbaha sa bansa.

Ayon sa Santo Papa, labis siyang nag-aalala sa Asian population na sinalanta ng mga natural disasters tulad ng pagbaha, lindol at bagyo.

Tiniyak rin nito sa mga biktima na kasama sila sa kaniyang mga panalangin upang malagpasan ang dina­nas na trahedya.

Matatandaang halos 100 katao ang nasawi habang libu-libong pamilya ang naapektuhan ng mga pagbaha na naganap sa Pilipinas.

Show comments