MANILA, Philippines - Tinanggal na ng PAGASA ang color coded warning na ipinairal ng naturang ahensiya sa Metro Manila sa kasagsagan ng hagupit ng ulan na dala ng habagat kahapon.
Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster, inalis ang color coded warning dahil wala na silang natukoy na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na dalawang oras kaya inalis ang nasabing babala.
Gayunman, patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga taga Metro Manila na mag-ingat at maging mapagmasid sa paligid dahil maaari pa ring magkaroon ng paminsan minsang pag-uulan na maaaring magdulot ng pagbaha. Sinabi ni Cada na gaganda na ang panahon sa mga susunod na araw sa Metro Manila dahil wala nang namataang makapal na kaulapang papalapit sa naturang lugar.