Manila, Philippines - Dumulog sa Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema si Lauro Vizconde upang ipa-disbar si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio, na layunin ding hindi ito makaupo bilang susunod na Punong Mahistrado.
Ayon kay Mang Lauro, nais niyang mapigilan na mapabilang si Justice Carpio sa shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC na pagpipilian ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III bilang susunod na Chief Justice.
Giit ni Vizconde na malinaw umano sa naging pahayag sa kanya noon ni dating Chief Justice Renato Corona ang panghihimasok ni Carpio sa kaso ng Vizconde massacre.
Bukod sa disbarment case, naghain na rin noong mga nakaraang linggo si Vizconde ng formal opposition letter laban kay Carpio sa Judicial and Bar Council.