P72M lotto jackpot nasolo ng gov't employee

MANILA, Philippines - Isang government employee ang suwerteng tumama ng P72 milyong jackpot ng July 31 lotto draw.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, 7 taon na umanong nakikipagsapalaran ang 51-anyos na empleyado sa pagtaya sa lotto sa pag-asang minsan ay mananalo rin siya.

Natupad ang kanyang pangarap matapos niyang solong tamaan ang kumbinasyong 02-28-10-07-38-08 nitong July 31 6/49 draw.

Plano niyang tumulong sa pagpapatayo ng kanilang chapel sa kanilang lalawigan habang magtatabi rin siya para sa pag-aaral at kinabukasan ng kanyang 2 anak at tumulong din sa mga nanga­ngailangan.

Tatlong beses sa loob ng isang linggo tumataya sa lotto ang nasabing empleyado sa loob ng 7 taon.

Iniabot ni GM Rojas ang tsekeng nagkakahalaga ng P72,709,153.20 sa solo winner at pinayuhan na mahalin nito ang kanyang tinamaan at huwag makakalimot na tumulong sa kapwa.

Show comments