Navy bibiling barkongmay missile

MANILA, Philippines - Bibili na ang Philippine Navy ng mga barkong may missile mula sa Italya upang mapalakas pa ang kapabilidad ng bansa sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.

Inanunsyo kahapon ni Defense Secretary Vol­taire Gazmin ang pla­nong pagbili ng pamahalaan ng dalawang missile firing frigates bilang bahagi ng modernization program ng AFP. 

Nabatid na ang dala­ wang Italy’s Maestrale Class Frigates ay nagkakahalaga ng P11.7 bilyon at armado ng anti-ship missiles, torpedoes, long range guns at automatic weapons. Sa rekord, ang barko ay nasa 3,300 gross register tons at may bilis na 33 knots.

Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na magkakaroon ang Pilipinas ng mga barkong may missile sa loob ng mahabang de­kada.  

Show comments