MANILA, Philippines - Inamin ng Malacañang na nagkaroon ng pagkukulang ang PAGASA sa pagbibigay nito ng advisory dahil sa biglaang water surge na dulot ng Shallow Low Pressure Area (SLPA) na naging sanhi ng pagbaha sa maraming lugar kahit sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Sec.Ricky Carandang, ginagawa naman ng gob yerno ang lahat upang matupad ang zero casualty sa tuwing may kalamidad matapos na umabot sa 26 katao ang nasawi sa bagyong Gener.
Aniya, magsasagawa din ng assessment ang MMDA at DPWH kaugnay sa biglang pagbaha sa Roxas Blvd. matapos na magiba ang sea wall nito na nawasak din noon ng malakas na pag-alon sanhi ng storm surge.