MANILA, Philippines - Itinalaga bilang bagong hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) si Richard S. Rebong para makatulong sa reporma at pagsugpo sa illegal smuggling sa Aduana.
Si Rebong ay itinalaga ni BOC Commissioner Ruffy Biazon dahil sa magandang ‘track rekord’ nito at kakayahan para pamunuan ang CIIS na habulin ang mga gumagawa ng tiwali sa ahensiya.
Sa pag-upo ni Rebong sa CIIS ay naniniwala si Biazon na maiibsan ang talamak na illegal smuggling operation sa ahensiya, kung saan noong Biyernes ay nasabat ang mga container van na naglalaman ng saku-sakong imported na bigas na nasa P40-milyon ang halaga sa port ng Subic.
Isang kawani ng BoC at isang broker sa Aduana ang patuloy ngayong iimbestigahan makaraang lumutang ang kanilang pangalan na sangkot umano sa pagpasok sa bansa sa nabanggit na imported na bigas.