MANILA, Philippines - Diniskuwalipika ng Judicial and Bar Council (JBC) ang dalawang nominado sa pagkapunong mahistrado matapos na mabigong kumpletuhin ang kanilang documentary requirements.
Ayon sa JBC, sina Atty. Vicente Velasquez at dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez ay nabigong isumite ang kanilang documentary requirement na kailangan para sa kanilang aplikasyon para sa posisyon ng pagka-punong mahistrado.
Dahil dito, hindi na sasalang pa sa ‘panel interview’ ang dalawang dating nominado.
Nakatakda sanang sumalang sa interview si Velasquez ngayon habang bukas naman naka-schedule si Rodriguez.
Bunsod ng desisyon ng JBC, 20 na lamang ang nominadong ikokonsidera para sa isusumiteng shortlist kay Pangulong Noynoy Aquino.