PNoy hinamon sa P125 wage hike

MANILA, Philippines - Hinamon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pa­ngulong Aquino na magbigay ng malinaw na posisyon sa SONA nito para sa isinusulong na P125 legislated wage increase.

Ayon kay  Lito Ustarez, spokesman ng KMU, sawang-sawa na ang mga manggagawa sa limos na umento sa sahod na ibinibigay ng wage board.

Samantalang ang House bill 375 o l125 legislated wage hike bill ay napakatagal nang inuupuan sa Kongreso mula nang ihain ito noong buhay pa si dating Rep. Crispin Beltran.

Ayon kay Ustarez, nais nilang marinig sa SONA ng Pangulo ang pagbibigay ng sertipikasyon sa panu­kalang ito bilang urgent bill.

Anya, gusto rin nilang ipatigil ng Pangulong Aquino ang sistema ng contractualization ng mga manggagawa sa bansa.

 

Show comments