Manila, Philippines - Umaakyat na ang bilang ng mga kaso ng dengue batay sa inilabas na monthly report ng Department of Health (DOH) kahapon.
Nasa 46,651 ang naitalang kaso sa bansa at 294 sa mga ito ang kumpirmadong nasawi, simula Enero 1 hanggang Hulyo 7 ng taong ito lamang.
Sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH, mas mataas ito ng 13.85 porsiyento kumpara sa 40,975 dengue cases na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon, na may 269 dengue deaths.
Pinakamaraming kasong naitala sa National Capital Region (23.1% o 10,775 kaso na may 55 patay), Region III (15.06% o 7,024 kaso na may 13 patay) at Region IV-A (13.3% o 6,219 kaso na may 42 patay).
Sa NCR, nanguna sa pinakamaraming kaso ng dengue ang Quezon City (3,412), sumunod ang Maynila (1,840) at ang Caloocan City (1,257).
Karamihan sa mga nagkasakit ay mga lalaki (53%).