MANILA, Philippines - Habang patuloy ang panawagan ng gobyerno na dapat magtipid sa lahat ng gastusin ang mga ahensiya ng pamahalaan ay bumili naman ng mga sasakyang nagkakahalaga ng P17.75-milyon ang Department of Justice para umano mapalitan ang mga lumang sasakyan ng mga prosecutors.
Ipinarada sa labas ng DOJ kahapon upang bendisyunan ang 20 Toyota Innova, na ibibigay umano sa 15 Regional Prosecutors at 5 Senior Prosecutors ng DOJ.
Bumili rin ng 20 crossover utility vehicle at dalawang Hino bus ang DOJ na nagkakahalaga ng P7.3-milyon.
Una rito, noong Marso 2012, ay bumili rin ang DOJ ng 8 units ng passenger vans na nagkakahalaga ng P9.5-milyon.