DENR chief kinastigo ni PNoy

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ni Pangulong Aquino si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje kung bakit pinayagan ng huli ang pag-imbak ng mga uling sa Manila Harbour Centre gayung nakakasama ito sa kalusugan.

Ito’y matapos ibunyag ni AGHAM Party list Rep. Angelo Palmones, na gabundok umanong mga uling ang naka-stock ngayon sa Harbour Centre Port Terminal at Manila Harbour Centre, na nagbibigay ng polusyon sa hangin at tubig lalu na sa Manila Bay.

Isa umano itong pag­labag sa Supreme Court writ, hinggil sa pagbibigay ng proteksiyon sa bayba­ying dagat.

Napag-alaman na bi­nigyan ng Environmental Clearance Certificate (ECC) ng DENR ang pag-stockpile ng mga uling na may 40,000 metriko tonelada, na inisyu naman ng DENR National Capital Region Environmental Management Bureau.

Ang uling ang itinutu­ring na pinakamaru­ming fuel na ginagamit sa pagpapatakbo ng isang power plant.

Ipinasa naman umano ni Paje ang responsibilidad sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), dahil ayon dito jurisdiction nito ang pa­ngangalaga ng Manila Bay. 

Show comments