'Sexual abuse' talamak sa NPA - Phil. Army

MANILA, Philippines - Talamak ang pang-aabusong sekswal partikular na ng mga lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga kababaihan partikular na ang mga menor de edad na recruits ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Army Chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista sa pagsasabing hindi lamang sa Western Visayas kundi sa buong kapuluan nagaganap ang garapalang pagyurak sa dangal ng mga cadre at iba pang opisyal ng NPA sa mga kababaihang recruits ng kilusang komunista.

“Sexual opportunism happens within the circle of NPA movement and it’s nationwide”, ani Bautista base sa intelligence monitoring at testimonya ng mga nagsisukong rebelde na hindi na masikmura ang nasabing makapanindig balahibong nararanasan ng mga kababaihang biktima.

Karaniwan umanong sinasamantala ng mga NPA Commander ang pagpasok ng ka­babaihang recruits nila lalo na ang mga estud­yante na ‘nabibilog’ nila ang kanilang mga ulo para sumanib sa kilusan.  

Show comments