MANILA, Philippines - Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Butchoy.
Sa latest monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ni Butchoy ang lakas ng hanging 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 100 kilometro bawat oras.
Patuloy na tinatahak nito ang direksyon na pagkanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 24 kilometro bawat oras.
Gayunman, nilinaw ni Robert Sawi, weather forecaster, na ang mga pag-ulang nararanasan sa malaking bahagi ng bansa ay dulot ng tinatawag na monsoon trough at shallow low pressure area sa silangang bahagi ng Northern Mindanao.
Kung hindi magbabago ang direksyon at lakas ng bagyo, inaasahan umano na magiging typhoon category ito habang tinatahak ang hilagang-kanluran ng Philippine Sea.
Ngayong Biyernes, si Butchoy ay inaasa hang nasa 500 kilometro ng silangan Virac Catan duanes.