MANILA, Philippines - Makukulong na ang sinuman tao na magpuputol ng niyog matapos aprubahan sa Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang parusa laban sa susuway sa ipinasang batas.
Itinataas din ng House bill 6131 ang application fee sa pagpuputol ng puno mula P25 ay gagawin na itong P100 bawat puno.
Ayon sa isa sa mga may-akda ng panukala na si House minority leader Danilo Suarez, ang bayad sa permit ay mapupunta sa Philippine Coconut Authority (P40), lokal na pamahalaan (P40) at barangay hall (P20).
“The fees allocated to the PCA shall be used for the PCA’s replanting program and the fees allocated to the municipal government shall be used for the repair and rehabilitation of roads of the respective local government units which have been damaged by the passage of heavy vehicles used for transporting coconut lumber, and of municipal farm to market roads,” sabi ni Suarez.
Binibigyan ng kapangyarihan ng Kongreso ang PCA na manghuli at magsampa ng kaso laban sa mga lalabag.
Ang mga puno ng niyog na maaaring putulin ay mga may edad na 60-taon o dinapuan ng peste o hindi na namumunga. Ang mga barangay captain ang magbibigay ng sertipikasyon para sa puputuling puno.
Maaari lamang magputol ng coconut tree kapag Oktubre, Nobyembre at Disyembre.