MANILA, Philippines - Mahigpit na pinaba
bantayan ngayon ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang dalawang malalaking pantalan sa bansa bunsod ng intelligence report na illegal na nagpupuslit umano rito ng mga mamahaling sasakyan mula sa bansang Amerika.Inatasan na ni Biazon ang kanyang mga tauhan partikular na ang Task Force React na pamunuan ang gaga wing pagbabantay sa Manila International Container Port o (MICP) sa North Harbor at Port of Manila (POM), na malapit pa mismo sa tanggapan ng BOC.
Nabatid na posibleng ipuslit dito ang mga magagarang sasakyan na milyon-milyon ang halaga gaya ng Ferrari, kasabay din ng pag-alerto sa iba’t ibang pantalan sa mga probinsiya.
Mariin namang sinabi ni Biazon na patuloy ang kanilang sinimulang paglilinis sa nasabing ahensiya kasunod ng pagsasampa ng kaso sa mga illigal na transaksiyon at mga brokers na hindi sumusunod sa pinaiiral na batas at posibleng kanilang suspendihin ang kanilang mga permit at lisensiya kung mapapatunayang lumalabag ang mga ito sa batas.
Puspusan din ang ahensiya upang baguhin ang imahe nito, partikular ang pagbuwag sa mga sindikato ng illegal smuggling na pumapalibot sa buong BOC at nagpapalugi sa ekonomiya ng pamahalaan.
Samantala, pipilitin naman ng BOC na mapataas ang kanilang target collection upang lumaki ang ibinibigay nitong tax collection sa pamahalaan.
Pangalawa ang naturang ahensiya sa may pinakamalaking tax collection na ibinigay sa pamahalaan.