Manila, Philippines - Nanumpa na sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Asin Bamboo Carver’s Guild Inc. sa Benguet para sa taong 2012-2013.
Sila ay sina: Roldan Pait, president; Jeremiah Cabbigat, vice-president; Rhodora Abbuyen, secretary; Maryne Apuggad, treasurer; Alex Ognayon, Leandro Lamadrid, at Manuela Duimapis, business manager.
Magiging adviser naman ng guild si Philippine Bamboo Foundation Inc. (PBFI) president Edgardo Manda.
Ginanap ang induction ceremonies sa Veniz Hotel sa Baguio City. Pinanumpa sa panunungkulan ang mga opisyales ni Congressman Ronald Cosalan ng Benguet.
Sinabi ni Manda na tutulong ang PBFI para regular na magkaroon ng skills trainings at mga seminar para sa higit na ikagaganda ng kanilang mga likha.
Maaaring tumawag ang mga interesado sa bamboo carvings at sa mga aktibidad ng PBFI sa 817-14-09 o kaya ay magsadya sa kanilang tanggapan sa 118 Perea St., Legaspi Village, Makati.