Dating tauhan ni GMA tetestigo sa NBN-ZTE deal

MANILA, Philippines - Tetestigo sa Sandiganbayan ang dating miyembro ng Gabinete ni dating Pangulong Gloria Arroyo na si dating DTI Secretary Peter Favila.

Si Favila ay haharap sa 4th division ng Sandiganbayan sa June 18 at 19 pagpapatuloy ng paglilitis sa kaso nina GMA kaugnay ng NBN-ZTE deal bilang saksi ng prosecution panel kaugnay ng kaso.

Kinumpirma naman ni Favila na siya ay dadalo sa pagdinig.

Si Favila ay ipinatawag ng prosecution noong Abril 23 at 24 pero nabigo itong makadalo sa paglilitis dahil siya ay nasa Estados Unidos.

Sa liham na naipaliwanag ni Favila sa Sandiganbayan, nagkaroon siya ng commitment sa US noong April 14 hanggang May 7 ng taong ito kaya’t di siya nagpunta sa naipatawag na imbitasyon ng korte.  

Show comments